TULOG si Sergio nang mga sandaling iyon kaya naman malaya itong pinagmasdan ni Maryey. Alam niya na nang mga sandaling iyon ay malalim ang tulog nito dahil sa paraan ng paghinga nito. Pangalawang araw na niya roon. Hindi napigilan ni Maryey ang umangat ang kamay papunta sa pisngi nito at marahan iyong haplusin. I miss you… Gustong-gusto na niya iyong sabihin dito. Sa susunod na linggo ay Pasko na, sana makalabas na ito bago sumapit ang araw na iyon. Bahagyang ibinaba ni Maryey ang suot na surgical mask at yumukod kay Sergio. Maingat na ginawaran niya ito ng halik sa labi. Smack lang iyon bago mabilis na ibinalik sa ayos ang suot na surgical mask. Isang titig pa kay Sergio bago siya bumalik sa inuupuan niya. Madalas lang na tulog si Sergio, hindi rin siya nito kinakausap. Kung gumisi