HINDI agad nakagalaw si Maryey mula sa pagkakayakap sa kanya ni Sergio. Mahigpit siya nitong yakap nang mga sandaling iyon. Bakit ramdam niya ang sobrang pangungulila nito sa kanya dahil sa klase ng yakap nito? Para bang ayaw siya nitong mabibitiwan pa? Akala ba niya ay hindi siya nito naaalala? Katulad ng sinabi nito sa mga kaibigan nito? Pero bakit kung yakapin siya nito ay animo hindi naman siya nito nakalimutan? At isa pa, bakit nakalakad ito palapit sa kanya? Wala pa itong sapin sa paa. Ang daming tanong sa isipan niya. Nanlabo lalo ang paningin niya dahil sa luhang tuluyang namuo roon. Hindi niya magawang gumanti sa yakap nito dahil sa sobrang gulat. Nang sa wakas ay kumalas si Sergio sa pagkakayakap sa kanya ay hindi pa rin mawala sa mukha niya ang pagkalito. “A-akala ko ba h-hi