NANG BUMALIK si Maryey sa silid ni Sergio ay wala na roon ang mag-asawang Delavin. May isang oras pa siya para mag-stay kasama ito sa araw na iyon. “Tanggalin mo na ‘yang suot mong mask,” ani Sergio nang lapitan niya ito. Nahawakan ni Maryey ang kapapalit lang na surgical mask sa mukha niya. “Bakit?” “I want to see your face,” anito na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Pinigilan ni Maryey ang naghuhurumintadong puso nang mga sandaling iyon at pilit kinalma ang sarili. May kilig kasing dulot ang sinabi ni Sergio sa kanya. Tinanggal na niya ang suot na surgical mask at inilagay sa bulsa niya. Nakaramdam siya ng pagkailang nang makita na mataman pa rin siyang pinagmamasdan ni Sergio. Lalong umalwan ang hitsura nito, siguro dahil masyado itong masaya nang araw na iyon. “Uuwi ka pa rin b