“HINDI KA pa ba uuwi?” Mula sa binabasang magazine ay ibinaling ni Maryey ang tingin kay Sergio. Bukas na ito madi-discharge sa ospital dahil wala na namang problema rito ayon na rin sa doktor nito. Wala na rin itong bandages sa ulo at natanggal na rin ang tahi nito. “Ayaw mo ba na samahan kita rito?” sa halip ay balik-tanong niya. Pinayagan naman siya ng kanyang ama na samahan doon si Sergio. Naupo ito sa tabi niya. Nasa may salas siya ng silid nito nang mga sandaling iyon. “Hindi naman sa ganoon. Nagtaka lang ako dahil dapat kanina ka pa nakauwi.” Isinara niya ang pahina ng magazine at ibinalik iyon sa ilalim ng coffee table. Pagkuwan ay ibinalik ang tingin kay Sergio. Nginitian pa niya ito nang mapatitig siya sa guwapo nitong mukha na mataman na naman siyang pinagmamasdan. “Sasama