Chapter 55

2272 Words

HINDI na yata mabubura ang ngiti sa labi ni Maryey habang hindi inaalis ang tingin kay Sergio. Maingat nitong inilapag sa kama nito ang anak nila. Nilagyan pa nito iyon sa magkabilang gilid nito ng unan. Pagkahalik nito sa noo ni Ynho ay muli itong tumayo. Hindi maikakaila ang saya kay Sergio na mabilis nakagaanan ng loob ni Ynho. Napagod kalalaro kaya mabilis nakatulog ang anak nila. Napakurap si Maryey nang siya naman ang lapitan ni Sergio at hapitin palapit sa katawan nito. Ipinulupot niya ang mga kamay sa may batok nito at buong pagmamahal din na pinakatitigan ito. “I love you,” sambit ni Sergio. “I love you too, hon,” buong pagmamahal niyang tugon. Nang bumaba ang mukha nito palapit sa kanya ay ipinikit pa niya ang mga mata at hinintay ang labi nito na lumapat sa labi niya. That f

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD