UNTI-UNTING iminulat ni Maryey ang mga mata. Pumikit uli siya dahil medyo malabo ang nakikita niya pagkuwan ay muling iminulat ang mga mata. Unti-unting kumunot ang kanyang noo. Bakit puro puti ang nakikita niya? Inilibot niya ang tingin sa paligid. Lalong nangunot ang noo niya nang mahinuhang nasa ospital siya. Nakasuot din siya ng hospital gown. Paanong… Pinilit niyang bumangon. Akmang bababa siya sa kama nang saka lang mapansin ang nakakabit sa kamay niya na dextrose. Walang kiyemeng hinugot niya ang butterfly needle na nakakabit sa kanyang kamay. “Aaah,” nakagat niya ang ibabang-labi dahil sa hapding kasunod na naramdaman. Nahawakan niya ang kamay niya na pinagtanggalan ng karayom dahil lumabas ang dugo roon. Nag-uulap na ang mga mata niya hindi dahil sa sakit ngunit sa nakikita n