Chapter 57

1447 Words

“HON… hon, wake up. Hon.” Ganoon na lang ang paghugot ni Maryey ng hingang malalim nang bigla siyang magising. Halos habol pa niya ang paghinga. Ramdam din niya na pinagpapawisan siya. Agad niyang ibinaling ang tingin sa kaliwa niya. “H-Hon,” lalong nag-init ang sulok ng mga mata niya nang makita sa tabi niya si Sergio. Mabilis niya itong niyakap. Mahigpit. Naisubsob niya ang mukha sa may leeg nito. “Ano’ng nangyari? Nanaginip ka ba ng hindi maganda?” nag-aalala nitong tanong habang hinahaplos ang kanyang likuran. “Sobrang sama.” Mariin siyang napapikit. Ibig sabihin ay masamang panaginip lang iyong eksena sa ospital? Napalunok siya. Thank you, Lord. It’s just a bad dream. “Ikukuha muna kita ng tubig. Wait me here,” paalam sa kanya ni Sergio na inalalayan siyang sumandal sa headboard

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD