Kael “DR. KAEL” Guzman “Aalis ka na ba?” tanong sa akin ni Alya. Masarap pa ang tulog niya dahil madaling araw na kaming nakauwi kanina. “Uhm!” ungol ko bilang pagsang-ayon. “Magpahinga ka na lang dito sa bahay. Uuwi ako kaagad.” Nag-inat siya at niyakap ako ng mahigpit. “Mami-miss kita,” lambing niya. “Text or call me, okay?” Hinalikan ko siya at niyakap. “I will. I love you, baby!” Hindi ko alam kung ano itong kaba na nararamdaman ko pero ayaw namin maghiwalay dalawa ngayon. Kaya lang nakapangako na ako sa tatay ni Ezzie na babalikan ko siya ngayon linggo para sa therapy treatment niya. Nagmamaneho ako papunta sa condo ni Ezzie ng maka-receive ng tawag sa kaniya. “Hello, Dok!” Bungad niyang bati. “Sorry nakalimutan kong inform na nauna na ako dito sa bahay dahil kagabi tumawag s