Kael “DR. KAEL” Guzman Sa tuwing kayakap at hawak ko siya ay panatag na ang aking kalooban. Kakaibang saya ng puso ang aking nadarama. Gusto ko palagi lang siyang nakahiga sa aking bisig at huwag nang mawala pa. ‘Ang hirap! Iniisip ko pa lang na hindi siya makakasama sa araw-araw ay kumikirot na ang aking puso at nababaliw na sa pag-iisip.’ Nasanay na nga akong nakabantay sa kaniya at pinagmamasdan habang natutulog. ‘Nakakabaliw ang pagmamahal. ‘It’s beyond our control. Kahit anong itatak sa isip mo ay puso pa rin ang mangingibabaw.’ Lahat ng nararamdaman ng tao ay kayang ipaliwanag ng sayantipiko. Pero hindi nito kayang timbangin ang emosyon na nararamdaman ng ating puso. Hindi natin hawak ang ating kapalaran pero palagi kong pinapanalangin na sana siya na ang nilaan para sa akin haban