Alya Maia “AMARIE” Rientes “Miss Amarie, pwede po ba kami mag-pa-picture?” tanong ng ilang mga tao na nakasabay ko sa elevator. Hindi ako nagdalawang isip na sumagot. “Oo naman po,” sabay akbay sa kanila. “Ang ganda-ganda at napaka approachable niyo po pala.” Ngumiti lang ako sa aking narinig. Nakakataba ng puso ang kanilang binitawan na salita. “Pa-autograph din po para sa anak ko. Fan na fan po talaga kayo ‘nun.” Kinuha ko ang inabot niyang notebook at ballpen. “Ano pong pangalan ng anak niyo?” tanong ko. “Ivy po,” tugon niya. Nag-iwan ako ng maikling mensahe para sa kaniyang anak. Sapat na siguro iyon para maibalik ko ang kanilang suporta, kabutihan at pagmamahal na ibinibigay sa akin. “Maraming salamat po talaga,” sambit nila bago tuluyang magpaalam. Pagbukas ng elevator ay