Alya Maia “AMARIE” Rientes Niyaya ako ni Kael na sumama sa kaniya. Ime-meet namin Ezzie sa restaurant. ‘Naikwento sa akin ni Kael na humihingi ng tulong si Ezzie upang matingnan ang ama niyang may sakit sa pag-iisip.’ Pagdating sa restaurant ay naroon na si Ezzie at umiinom ng kape. ‘Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako ng makitang masama ang titig niya sa aking kamay na hawak-hawak ni Kael. “Hi!” bati sa amin. Ngumiti ako, “Hi, Ezzie! I hope if you don’t mind kung kasama ako. Ito kasing si Kael nagpipilit,” paliwanag ko. “Okay lang,” sagot niya. “Mabuti nga at sinama ka ni Dok para naman may kakwentuhan ako habang nasa byahe tayo papunta sa bahay ng tatay ko.” Ilang sandali siyang natahimik bago magsalita muli, “Oh! How rude I am. What do you want to order? Coffee, pastries?”