Alya Maia “AMARIE” Rientes Hinalikan ko sa pisngi si Abby at hinagkan ng salubungin niya kami. “What a surprise visit?!” bulalas niya. Ngumiti ako, “Pa welcome party namin kay Kiendra,” saad ko. “I see!” sagot niya. “Enjoy the night. Ipapa-reserved ko na ang mga order niyo.” Nang maka-alis si Abby ay nagawi ang tingin ko kay Kiendra na nakatingin sa malaking glass window kung saan tanaw ang live band na tumutugtog ngayon. Nagkatinginan din kaming dalawa ni Ate Diane dahil sa tahimik na si Kiendra. ‘Ang laki na ng pinagbago niya.’ Kung noon ay maingay at masiyahin siya ay kabaliktaran na ngayon. Ngayon ko lang din napansin na medyo haggard siya dahil hindi na siya gaano nag-aayos. “Kiendra,” tawag ko sa kaniya. “May gusto ka pa bang ipadagdag na order?” tanong ko. Ngumiti lang s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books