Kael “DR. KAEL” Guzman Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ng kwarto. Sunod-sunod iyon na wari’y may nangyayari sa labas na hindi namin alam. Medyo kinakabahan ako dahil naiisip ko na baka may emergency kaya walang hinto iyon. “Sino iyon?” tanong ni Alya sa akin na nagising din dahil sa katok. “Ituloy mo na ang tulog mo,” tugon ko. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at dumiretso sa pintuan para buksan ang pinto. Pagbukas ko nga ay isa sa kasambahay namin ang bumulaga sa akin. “Manang, may problema ba?” tanong ko. Lumabas ako ng kwarto para hindi na maistorbo si Alya sa kaniyang pagtulog. “Pinapatawag po kayo ng magulang niyo. Nasa sala po sila kasama si Ma’am Kiendra at ang kaniyang anak.” “Si Kiendra?” ulit kong tanong. Nagtataka ako dahil sa biglang pag-uwi niya kasama ang paman