Alya Maia “AMARIE” Rientes Nakadungaw ako sa bintana kung saan tanaw ko ang buong kalangitan. Napaka aliwalas ng panahon. Pag tingin ko sa baba ay may garden doon. Naglalakad-lakad at ang iba naman ay naka-upo sa mga bench. May mini fountain din doon kung saan may mga bata na mga naglalaro. “Alya!” tawag sa aking pangalan. Paglingon ko ay nakita ko ang babaeng kakapasok sa pintuan. Gaya ni Kael ay umiiyak rin siya nang makita niya ako. “Alya!” Naglakad siya papunta sa akin. Nang huminto sa aking harapan ay nakita kong sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Hinaplos niya ang aking mukha. Dahil sa kaniyang ginawa ay parang may mainit na humaplos sa aking puso. ‘Ayoko siyang makitang umiiyak.’ Itinaas ko ang aking kamay at pinunasan ang luha sa kaniyang mga mata. “Huwag na po kayong umiyak