Special Chapter 11

2235 Words

Alya Maia “AMARIE” Rientes Hindi ko namalayan na ang bilis lang lumipas ng panahon. Sa bawat buwan na nagdadaan ay sinisigurado namin ni Kael na may magandang ala-ala sa aming anak. Mula sa pagiging newborn at ngayon ay six months na ay ang laki-laki na talaga ng milestone na nagagawa ni Kenjie. Natuto na siyang dumapa, umikot-ikot sa kama at ngayon nag-aaral naman magmi-mic ng kaniyang naririnig. “Say Mama,” sambit ko. Nakahiga si Kenjie at hinahawakan ang mukha ko. “Uhmm…” ungol niya sabay ngingiti. “Momma,” usal ni Deane na nakaupo sa tabi ni Kenjie. Kinurot ko siya sa pisngi dahil sa tuwa. Sa pakiramdam ko ay si Deane ang aking panganay na anak. Simula maliit hanggang ngayon ay hindi nagbago ang kaniyang ugali. Mas naging malambing pa nga sa akin. “Very good,” sabi ko sa kaniya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD