Alya Maia “AMARIE” Rientes Nakaharap sa salamin, inaayusan ng buhok at nilalagyan ng kolorete sa mukha. Excited pero dumadagundong ang kaba sa aking dib-dib. ‘Ito na iyon!’ Ang daming mga tanong at posibilidad na mangyari ang pumapasok sa aking isip, ngunit sa isang iglap ay nawala lahat ang pangamba. ‘Alam kong nariyan sila. Ano pa ba ang dapat kong katakutan?’ Nahagip ng aking mga mata ang dalawang pigura na nasa aking likuran. ‘Si Kael at si Yna.’ Natuon ang aking tingin sa dalawa. Hindi ko namalayan na napako na pala sa kanila ang aking mga mata. Ilang sandali pa ay bumalik ako sa aking sarili ng marinig ang boses ng aking katabi. “Miss Amarie, okay na po ang make-up niyo!” ani ng bakla sa akin. “Mas gumanda ka ngayon,” puna niya at may ngiti sa labi. Tinugunan ko ang kaniyang ng