Kael “DR. KAEL” Guzman Kasalukuyan akong nakatitig sa babaeng nakatayo sa aking harapan. Nakangiti siya habang isinusuot ang kurbata sa aking leeg. ‘Sa araw-araw ay ipinagpapasalamat ko sa maykapal na gumigising ako sa kaniyang bisig. Masilayan pa lang ang kaniyang mukha ay nagiging positibo na aking pag-iisip. Hindi nagbabago ang t***k ng puso ko para sa kaniya.’ Gamit ang kaniyang kamay ay plinatsiya niya ang aking suot na damit. “All done,” magiliw niyang sambit. Tumitig siya sa akin at ikinalawit ang kamay sa aking leeg. “Ang dating hashtag handsomedoctor namin, ngayon ay handsomepresident na.” Hinaplos ko ang kaniyang pisngi, “Kung anu-ano ang nakukuha mo sa kakabasa ng mga news sa internet.” Huminga siya ng malalim, “Totoo naman kasi.” Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang p