JAMES Masakit ang ulo habang nanlalabo ang mga mata na nagising ako. Kahit nahihilo ay iginala ko ang paningin pero puro dilim ang tanging nakita ko sa buong lugar. Hindi ko alam kung nasaan ako pero inaatake ako ng matinding kaba dahil pakiramdam ko ay naulit lang ang tagpo noong unang pinapatay ako ni Carlos Hidalgo. Sinubukan ko na magpa-linga-linga sa paligid pero dahil wala kahit isang liwanag ng ilaw ay bigo akong malaman kung nasaan ako at anong lugar itong pinagdalhan sa akin ng mga taong dumukot sa akin. I just wonder kung nasaan na si Faze. Hindi ko kasi alam kung anong oras na lalo na at hindi ko maaninag ang orasan kamay ko. Sinubukan kong pakiramdaman ang earpiece na ikinabit sa tenga ko pero wala na akong ibang marinig. Na kumperma ang hinala ko na wala na ito ng ilapi