JAMES "Amara, let's go. Umalis na tayo dito," sabi ko habang nasa kabilang panig ng pintuan. Imbes na sumagot ito ay inirapan lang ako. Kanina pa siya panay ang ikot ng mga mata pero hinayaan ko lang dahil alam ko na galit siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang binabalak niya dahil kung ako lang ang masusunod ay kanina ko pa siya hinatak palabas dito pero dahil siya si Amara na matigas ang ulo ay wala akong magawa kun'di panoorin kung paano umikot-ikot ang mga mata nito sa tuwing magtatama ang paningin naming dalawa habang hinihintay na bumalik ang mga taong inutusan nito. "Boss, dito po!" malakas na sabi ng tauhan na inutusan ni Amara na papuntahin dito si Hidalgo. "Nasaan ang mga bihag?" malakas na tanong nito sa tauhan pero hindi nakasagot ito matapos na malakas na sinipa ni Ama