JAMES Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Collin at Sebastian sa dalawang tao na nakabitin patiwarik sa loob dahil iniwan ko sila matapos malaman ang katotohanan mula kay Carlos. Hinayaan ko na ang dalawa ang magdesisyon ng kapalaran ni Carlos at Milven dahil hindi ko gugustuhin na mabahiran ng marumi nilang mga dugo ang mga kamay ko. Naghihintay na lamang ako dito sa sala na lumabas silang dalawa para maalis na sa lugar na ito. Ayaw kong panuorin pa kung anong gagawin nila sa mga kalaban namin dahil hindi ako sanay sa marahas na pamumuhay gaya nila. Hindi ko gugustuhin na pumatay para maghiganti pero ayaw ko rin na mabuhay ng malaya si Carlos dahil alam ko na habang buhay siyang magiging banta sa buhay ko at sa magiging pamilya ko. "Let's go, umuwi na tayo" sabi ni Collin nang luma