JAMES "Anong lugar ito?" tanong ko kay Collin matapos tumigil kami sa isang tagong lugar dito sa Laguna. Kanina pa ako nakikiramdam sa kasama ko dahil naging tahimik ito matapos makatanggap ng tawag na sa tingin ko ay galing sa asawa nito. Mukhang may ginawa na naman si Amara na naging dahilan para sumakit ang ulo ng ama. Kanina pa panay ang hilot nito sa noo habang tahimik na nakaupo katabi ko. "Bumaba ka na," utos nito na hindi nag-abala na sagutin ang tanong ko. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin namin dito gayong hindi ko inaasahan na dito kami tutuloy matapos na makaalis kami sa hideout ni Carlos. Nasagot ang tanong ko ng pumasok kami sa isang malaking bahay. Hindi ko alam kung sino kina Collin at Sebastian ang may-ari nito nito dahil pareho naman silang capable na magkaroon n