JAMES With the power of money, nagawa ko ang plano ko. Narito ako ngayon sa isang bodega kung saan dinala ng mga tauhan ko ang mga taong huling nakita ko ng araw na sunugin nila ang katawan ko. It's him, Master na nasa edad pitumpu't isa. Wala ng kakayahan na lumaban at lalong nasa huling yugto na ng kanilang buhay. Mahina sila ngayon, tamang-tama sa oras ng pagbabalik ko dahil ako naman ang malakas na siyang dudurog sa kanila. Apat silang tauhan ni Santiago na narito at hindi nila alam na kasama at kaharap nila ang wala pang malay na demonyo na nakagapos sa upuan nito. "Aalisan n'yo ng piring ang mga 'yan," utos ko sa limang lalaking nakuha ko na nagtatrabaho para sa akin. Since I learned how to deal with the demon like them, natutunan ko na rin kung paano kumuha at mag-hire ng mga