JAMES Simula ng umalis si Amara hindi ko na siya nakita ulit. Part of me sobrang malungkot ako sa hindi ko malamang dahilan pero mabuti na iyon para hindi siya konektado sa akin oras na balikan ako ng mga kalaban ko. Anak siya ni Collin Madrigal, ang main suspect sa krimen ng pagkamatay ko. Sa huli, matimbang pa rin ang dugo dahil pinatunayan iyon ni Amara matapos na hindi niya paniwalaan ang sinabi ko. Kung sabagay, sino nga naman ba ang maniniwala na ako pa rin si James Miguel Suarez gayong kung pagbabasehan ang taon ay kaedad na ko ang ama ni Amara. Walang maniniwala na ako ito na bumalik at muling nabuhay dahil napaka-imposible nito para sa mga taong hindi nakaranas at walang alam sa ganitong pangyayari. Baliw na lamang ang maniniwala sa raincarnication dahil mas imposible pa ito