JAMES Kinabukasan isang kahon ang ipinadala ko sa opisina ni Santiago Alegre dito sa Makati. Malikot ang mga mata at nakikiramdam ako sa paligid ng makapasok ako pero dahil trainee at baguhan ako ay walang pumasin sa akin hanggang sa makarating ako sa HR department kung saan pipirma ako ng kontrata at i-orient sa trabahong nakaatang sa akin dito sa kumpanya. Tulad nga ng inaasahan ko ay mga abala ang tao dito kaya naging malaya akong kumilos ayon na rin sa kagustuhan ko. Malinaw na nakita ko kung paano mag-tsimisan ang ilang tauhan matapos na mabasa ng ilan sa mga ito ang blog na ginawa ko. I accused, Santiago of stealing my company bagay na papatunayan ko sa lahat oras na makakuha ako ng tamang pagkakataon at ebidensya na magagamit ko para mapabagsak siya. Lihim na napa-ngisi ako nan