JAMES Hinarap ko si Jansen Tan at ang kasama nitong nakatutok sa ulo ko ang baril na alam kong isang maling kilos ko lang ay hindi magdadalawang isip na kalabitin at pasabugin ang ulo ko. "Hindi na kita tatanungin kung anong ibig sabihin nito Mr. Tan. Obviously, gusto mo akong patayin. Siguro naman deserve kong malaman kung bakit," seryoso ang mukha na sabi habang matalim ang mga mata na nakatitig dito. "I-i." Hindi na nito natapos ang dapat sana ay sasabihin dahil sinigawan ito ng lalaking may hawak ng baril habang nakatutok sa akin. "Shut up!" sigaw ng lalaki. Madilim ang awra nito at alam ko na hindi nangingimi na papatayin ako. Hindi nakapagsalita si Mr. Tan ng pinanlisikan ito ng mga mata ng lalaki na hindi inaasahan na susunggaban ko ito matapos na malingat dahil sa napunta k