JAMES Isang linggo ang mabilis na lumipas at humupa na kahit paano ang isyu tungkol sa mga akusasyon laban sa kumpanya na binawi ko. Napalitan ito ng mga balita tungkol sa akin at sa pagkatao ko dahil na rin sa curiosity ng publiko matapos lumabas ang iba't-ibang balita tungkol sa akin. Hindi ko gusto na mapunta sa akin ang atensyon ng medya kaya hindi ako komportable lalo na at alam ko na hindi nagustuhan ni Amara ang makikita at nababalitaan niya tungkol sa mga tsismis sa affair na wala namang katotohanan. Napapa-iling na lang ako ng personal na napanood ko ang pagkaka-link ko sa isa sa mga kilalang artista sa bansa matapos na pasalamatan ko ito sa paggamit ng apps na ginawa ko na kumita ako ng milyon sa loob lamang ng isang buwan kaya pinadalhan ko ito ng bulaklak at mamahaling regal