JAMES Nakaalis na ang daddy ni Amara pero lutang pa rin ako. Hindi ako makapaniwala na darating ang araw tulad nito na malalaman kong na buntis ko nga siya. Unexpected yes, but I'm happy. Kaligayahan na ngayon ko lang ulit naramdaman simula ng muling magising ako sa katawan ng anak ko na malimit ay titigan ko sa salamin. Kamukha siya ni Rose pero iisa ang hugis at kulay ng mga mata namin. Pakiramdam ko ay nakatitig ako sa sarili ko sa tuwing nasa harap ko sa salamin at pinagmamasdan ang mga matang alam ko na tulad ng sa akin. "Sir, handa na po ang hapunan," sabi ni Manang Irma na nakalapit na pala sa akin ng hindi ko namamalayan. Tumayo ako at sumunod dito papasok sa dining table. Hanggang ngayon ay masaya ako at hindi pa rin makapaniwala sa balita na natanggap ko. Alam ko na sa pagk