JAMES "N-naaalala mo na?" hindi makapaniwala na tanong ni Amara sa akin. Humakbang siya palapit sa akin at heto siya ngayon mismo sa harap ko titig na titig sa mukha ko. "Iyon lang ang naalala ko tapos nakatali tayo pareho," sagot ko. Tumango si Amara at naupo sa maliit na upuan na tanging meron ako dito sa sala. Bigla ay naging tahimik ito ng hindi na nagsalita pa pero ang mga mata ay sinuyod ang kabuuan ng apartment na tinitirhan ko. "Sana pagkatapos nito ay mawala na ang pagdududa mo sa daddy ko Jaxon. I know it's difficult for you to believe me, maging sa mga sinasabi ko but I know my dad rules in life. Hindi niya gagawin iyan lalo na ang patayin ang daddy mo para lamang makuha ang maliit na bahagi ng negosyo at ari-arian ng pamilya mo na pinag-hatian ng tunay na mga mastermind sa