JAMES Ang dapat na seryoso ang panggugulo ko kay Congressman Mariano Romualdez ay pansamantalang natigil dahil sa paghahanap ko kay Amara pero walang makapag-sabi kung nasaan siya. Bumalik ako sa building kung saan naroon ang penthouse niya na pansamantalang tinuluyan ko noon at tanging natatandaan ko tungkol kay Amara pero hindi na umano ito umuwi dito, matagal na. Kung pagbabasehan ko ang huling beses na nakita siyang umuwi dito ay halos kaparehong panahon iyon noong araw na umalis ako at lumayo sa kan'ya. Nagsisisi tuloy ako kung bakit naging arogante ako noong huling araw na nakita ko si Amara, isang linggo na ang nakaraan. Kung una pa lang sana ay nalaman ko na ang tungkol sa anak ko na si Jaxon ay ang mismong may-ari ng katawang ito ay hindi ko siya dapat hinayaang umalis at iwan