VICTORIA PARANG gumuho ang aking mundo nang makita ko kung sino ang mortal na hinahabol ng reaper. It was Karim. Right now, ang daming katanungan ang nasagot sa aking isipan. Una ay sa kung paano napadpad si Karim sa kagubatan nang ako ay sugurin ng mga tamer, iyon pala ay dahil isa rin siya sa kanila. Pangalawa ay kung bakit hindi ko magawang maramdaman ang presensiya ng banal na bato sa kaniya ay dahil hinaharangan ako ng pagiging cambion niya. Pangatlo ay, kaya nakakalapit sa kaniya ang reaper, maging ako, ay dahil sa tuluyan nang nawalan ng bisa ang banal na bato dahil ang nakasuot nito ay kalahating mortal at kalahating demonyo. At panghuli, kaya siya hinahabol ng reaper ngayon ay dahil misyon nitong tapusin ang kaniyang buhay. My knees and flesh are still trembling. Hindi ko alam a