VICTORIA KAHIT NA aligaga ako ay sumama pa rin ako kina Alexiana at Leila na mag-man hunting. I think it's a good thing, dahil makakalanghap ako ng sariwang hangin. All the revelations I heard and knew are suffocating me. Maybe, it is best for me to draw my attention from other men-nah, it won't do. I will still end up thinking of that cambion hunk. "Victoria, walang mangyayari sa 'yo kung tutunganga ka lang diyan at maghihintay ng grasya," saad ni Leila habang inililibot ang tingin sa buong bar. "Look around, naglalakadat nagsasayaw lang ang mga grasya, susunggaban mo na lang," dagdag niya. Tumango lang ako at hinayaan siyang makihalo sa grupo ng mga barhopper. Huminga ako nang malalim bago napagdesisyunang lumabas ng bar para makapag-isip-isip. I guess I need to weigh everything. Na