VICTORIA RIGHT after Karim left, I get myself dressed and went outside for a walk. Hinayaan kong yakapin ako ng malamig na hangin habang binabaybay ko ang madilim na dalampasigan. Tumigil ako para pagmasdan ang magandang buwan na nagsasaboy ng puting liwanag, dahilan para kuminang ang karagatan. Umupo ako at pinaglaruan ang buhangin. Huminga ako nang malalim habang pilit na iwinawaglit sa aking isipan ang mga malalabong imaheng lumilitaw nitong mga nakaraang araw. Dapat nga ay matuwa ako dahil unti-unti nang bumabalik ang mga alaala ko, pero bakit ganoon? Bakit tila natatakot akong makilala ang mga taong naging bahagi ng nakaraan ko? Am I afraid of the pain it might cause me or scared of the truth that remembering who and what I am before is still nothing, for those people don't remembe