VICTORIA ILANG araw na ang lumipas mula nang magpunta kami sa isang beach party. Mula noon ay hindi pa kami lumalabas nang magkasama. Palagi kaming naiiwan ni Leila sa bahay dahil umaalis si Alexiana nang walang paalam. At sa tuwing nagkakasalubong kaming dalawa ay hindi ko mapigilang malungkot dahil hindi na niya ako pinapansin kagaya ng dati. Sobrang lamig na ng pakikitungo niya sa akin. Oo, sa akin lang, dahil ganoon pa rin naman siya makitungo kay Leila kagaya ng dati. Tinignan ko ang babaeng nakaupo sa sofa habang pinaglalaruan ang isang kutsilyo. "Leila," tawag ko. "May ideya ka ba kung saan pumupunta si Alexiana?" "No," sagot nito at ibinalik ang atensyon sa kutsilyong hawak. "I thought alam mo, kasi kayo naman ang palaging nag-uusap." "She's not talking to me anymore," pagtatap