VICTORIA DINALA ako ni Karim sa park. Halos ng mga taong nakikita namin ay kung hindi isang pamilya, ay magkarelasyon. Hindi ko naman maiwasang mamula nang naisip ko kung paano kaya kung kami na ni Karim? Na opisyal na kaming magkarelasyon? Nailing na lang ako't napangiti. Hihintayin ko na lang na siya mismo ang magtanong sa akin ng bagay na iyon. "Anong gusto mong kainin?" tanong niya habang itinuturo ang nakahilerang street vendors. Napatingin lang ako sa kaniya at nagkibit-balikat. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang masarap at hindi. Ang alam ko lang ay kung ano ang matamis, maanghang, mapait, maasim, maalat, mainit, at malami, dahil hindi naman kasi kumakain ng pagkain ng mga tao kaming mga incubus at succubus. "Gusto mo ng ice cream?" tanong niya at tumango na lang ako. "S