Chapter 05
3rd Person's POV
Pagkasakay ng babae sa sasakyan niya agad niya kinuha ang phone. Balak niya tawagan si Barry.
Napatigil ang babae at kumunot ang noo. Nakatitig siya ng ilang minuto sa screen ng phone niya.
"May cellphone ba si Barry?" tanong ni Miriam habang nakaupo sa driver seat. Napahawak ang babae sa ulo at napamura.
Ini-scroll niya ang contact list niya at tinawagan ang secretary. Kinonect niya iyon sa earpod na agad niya kinabit sa tenga.
Tinapon niya ang phone sa passenger seat. Hindi pa nakakatatlong ring ay agad na sinagot iyong ng secretary. Ini-start na ni Miriam ang sasakyan.
"Hanapin mo nga kung saan hospital naka-confine si Myles," utos ng babae. Tinanong ng secretary ang buong pangalan ng babae na hinahanap ng amo niya.
"Myles, my daughter you idiot! Malamang Myles Fornasori!" sigaw ni Miriam. Ayaw pa naman ni Miriam sa lahat patanga-tanga.
Napangiwi ang secretary sa kabilang linya matapos mailayo ang phone sa tenga noong sigawan siya ng amo.
Maya-maya napatigil ang secretary. Ilang minuto matapos mai-type sa laptop ang pangalan na sinabi ng amo niya.
"Madam, may anak kayo?" tanong ng secretary. Ilang years na niya nagtatrabaho sa kompanya ng mga Fornasori. Ngayon lang niya nalaman na may anak na ang amo niya.
"Kasasabi ko lang diba?" iritable na sambit ng babae sa kanilang linya. Ngumiwi ang secretary. Gusto niya pa magtanong ngunit mukhang wala sa mood ang amo niya.
Baka kapag nagtanong pa siya bukas wala na siyang trabaho. Kumunot ang noo ng babae matapos walang makita na Fornasori.
"Madam, mawalang galang na ngunit wala akong makita na Fornasori dito. Sa hospital ba talaga nadala?" tanong ng secretary. Walang Myles Fornasori doon.
"Sinabi ng mga katulong namin sa mansion na kinumbulsyon si Myles. Dinala ng husband ko sa hospital na sigurado akong malapit dito," ani ni Miriam. Napatigil si Miriam matapos may ma-realize. Hindi lang Fornasori ang apilyido ni Myles. Napasapo si Miriam sa noo.
"Subukan mo iyong Myles F. Navarro," dagdag ni Miriam. Maya-maya lang sinabi na ng secretary iyong name at address ng hospital.
Binaba na ni Miriam ang tawag at pinaharurot ang sasakyan patungo sa hospital.
Pagdating niya doon agad niya pinarada ang sasakyan. Bumaba siya at noong makita siya ng mga doctor doon ay bahagya ang mga ito nag-panic.
Pagmamay-ari ng mga Fornasori ang hospital na iyon at ang makita nila doon ang kasalukuyang head ng mga Fornasori ay sapat na para mag-panic sila.
Lumapit si Miriam sa nurse area. Napatigil ang mga nurse na nandoon at agad na namutla matapos makita ang babae.
"May pasyente ba dito na Myles Navarro. Anong room number?" tanong ni Miriam. Agad na tumalima ang mga nurse at hinanap ang room number ng pasyente na hinahanap ni Miriam.
"Madam, kahapon pa siya nakalabas ng hospital."
Napatigil si Miriam. Kumunot ang noo ni Miriam at tinanong kung sino ang guardian.
"Barry Navarro. Ito iyong receipt ng hospital bills. Umalis na lang kasi iyong guy hindi niya na ito kinuha," ani ng nurse at may inabot kay Miriam. Napatigil si Miriam.
"What the heck! Hinayaan niyo mag-stay ang mag-aama ko sa isang kwarto kasama ang iba pang pasyente!" sigaw ni Miriam. Napatalon ang mga nurse matapos sila sigawan ni Miriam. Agad na lumapit ang tumatayong director sa hospital na iyon which is ang kapatid ni Miriam na matanda ng ilang taon sa babae.
"Miriam? Anong ginagawa mo dito?"
Madilim ang anyong lumingon si Miriam. Nakita niya ang kapatid kasama ang ilang doctor. Nandoon din ang family doctor ng mga Fornasori at si Chester Wu.
"Madam, napadalaw kay—"
Nagulat ang lahat matapos lumapit si Miriam at sinuntok sa mukha ang head doctor.
Natumba ang head doctor. Agad na pinigilan ni Chester ang babae at tinanong kung anong nangyari. Hinila ni Miriam ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Chester at tiningnan ng masama ang doctor.
"Ngayon din magpasa ka na ng resignation letter mo. Hindi ka na makakatapak sa mansion ng mga Fornasori either sa mga hospital na under ng name ko," malamig na sambit ni Miriam. Tumalikod ang babae at kinuha ang phone niya. Dinial niya ang number ng secretary.
"Wala na dito sina Myles. Kumontak ka ng pulis at ipa-check mo ang mga CCTV— ipapadala ko ang litrato ng mag-aama ko," iritable na sambit ni Miriam at lumabas ng hospital.
Bago pa makasakay si Miriam ng sasakyan niya tinawag siya ni Chester. Napalingon si Miriam matapos buksan ang pinto ng sasakyan.
"Miriam, hindi mo ako kinontak kahapon. May problema ba?" tanong ni Chester. Tinaasan ni Miriam ng kilay ang lalaki.
"Nakapasok ka na sa hospital diba? Tapos na ang business natin na dalawa. Problema? Nawawala ang anak ko. Hindi ba halata? Hindi ba sa tingin mo iyon problema?" basag ni Miriam. Sumakay na ang babae sa sasakyan niya at malakas na binagsak ang pinto.
Agad na pinaandar ni Miriam ang sasakyan. Naiinis siya.
"Saan ba dinala ng gago na iyon si Myles at hindi 'man lang naisipan komontak sa bahay," gigil na sambit ni Miriam. Napamura si Miriam matapos makitang traffic na. Nanggigigil na pinindot ni Miriam ang busina ng sasakyan.
Napasandal na lang si Miriam sa upuan at naiiritang dinampot ang kaha ng sigarilyo sa ibabaw ng dashboard para pakalmahin ang sarili.
Maya-maya napatigil si Miriam matapos mag-ring ang phone niya. Nakita niya ang telephone number ng mansion niya sa screen. Agad na dinampot iyon ni Miriam at sinagot.
"What!"
"Ma— madam, bu— bumalik na kayo dito. May— may mga pulis na nandito. Dala nila ang mga gamit ni sir— sir Barry at young lady."
"Madam, na- naaksidente sina sir— pinapupunta nila kayo dito para samahan kayo sa hospital para i-dentify ang mga katawan nina sir," naiiyak na sambit ng katulong. Nabitawan ni Miriam ang phone niya ngunit nandoon pa din ang mga mata niya sa screen na nahulog sa upuan. Parang nawalan ng kaluluwa si Miriam matapos marinig ang sinabi ng katulong.
Namatay ang tawag kasunod 'non ang mga message ng secretary niya. Isa sa mga nabasa niyang salita ay pumunta si Miriam sa police station.
May nangyaring aksidente, patay lahat ng pasahero at kasama sa mga na-recover na gamit sa aksidente ang gamit ng mag-ama niya.