Chapter 04
3rd Person's POV
May klase si Barry ng 2pm kaya naman maaga siyang aalis ng bar. Pagkalabas niya ng bar— naghintay siya ng kaunti sa parking area ng restobar.
Lumabas din ang babae. Tama ang hinala ni Barry na siya ang pakay nito.
Nagtama ang mata nilang dalawa. Lumapit sa kaniya ang babae.
"Hindi ko kinuha ang pera mo. Kung hihirit ka pa hindi na ako papayag— hindi ako call boy at nagtatrabaho ako ng matino," iyon na ang binungad ni Barry.
"Kung kinuha mo ang pera hindi ako pupunta dito ngayon para ipaaako sa iyo ang bata na ngayon ay dinadala ko," ani ng babae. Na-shocked si Barry. Nahulog pa ang bag nito na nakasukbit sa balikat niya kanina lang.
"What?" tanong ni Barry. Sinabi ng babae na buntis siya.
"Wala kang ginamit na condom hindi ba?" tanong ng babae. Parang balewala lang sa babae ang mga sinasabi nito like— walang kahit na anong expectation sa mukha nito or what.
Para bang inimporma lang siya nito na buntis siya.
"Marry me," dagdag ng babae. Hindi iyon tanong kung hindi demand. Hindi alam ni Barry kung anong dapat niya isagot doon.
Tiningnan ni Barry ang sinapupunan ng babae. Magiging daddy na siya.
Walang dahilan para hindi pumayag si Barry at hindi i-take ang responsibility. Magkakaroon na siya ng anak at totoo na iyon.
End of the flashback.
Tiningnan ni Barry ang anak na ngayon ay natutulog habang nakahilig sa dibdib niya.
Iyon ay si Myles Fornasori Navarro. Ang kaisa-isa niyang prinsesa at kaisa-isang tao na nagpapalakas ng loob niya. Ang dahilan bakit nagkaroon siya ng lakas ng loob na umalis sa puder ng asawa niya na sa tagal ng pagsasama nila ay minahal niya na din.
Naging kalokohan na lang ang pagmamahal para sa kay Barry at ang kasal. Sa isip ni Barry kung mag desisyon siya manatili sa tabi ng isang tao at nakita niya na hindi niya iyon deserved wala na siyang balak magpakatanga.
Hindi niya hahayaan na mapunta ang anak niya sa ganoon na sitwasyon ang maging invisible aa harap ng sarili niyang parents.
"Pinapangako ko na hindi mo mararanasan ang sakit na naranasan ko. Aalis ako pero hindi kita iiwan. Lalayo tayo sa lahat lalo na sa mommy mo," bulong ni Barry Navarro habang nakaupo sa isa sa mga upuan sa bus at yakap ang anak niyang babae na nasa apat na taon pa lamang.
Isa si Barry sa pinakamaswerteng lalaki sa mundo. Nakapangasawa siya ng isang independent, mayaman, maganda at matalinong babae. Hindi niya na kailangan mag-work para sustentuhan ang pangangailangan nila. Sino ba ayaw ng ganoon na asawa hindi ba?
Pero iba si Barry— mahal niya ang dating asawa ngunit— alam niya sa sarili niya na hindi siya mahal nito. Ayaw niya na ipilit specially kung ang tingin lamang sa kaniya nito ay isang substitute ng taong totoong mahal nito.
Hinaplos ni Barry ang buhok ng anak na babae na siyang sobrang kamukha ng ina.
"Hayaan na natin ang mommy mo maging masaya. Kapag pinilit pa kasi natin siya— tayong tatlo lang din masasaktan."
Hinalikan ng lalaki ang noo ng anak at kinulong ito sa mga bisig. Magpapakalayo-layo na sila. Pupunta sila sa lugar na sisiguraduhin ni Barry na hindi sila makikilala.
"Gagawin ko lahat para punuin ka ng pagmamahal. Ibigay sa iyo ang pagmamahal ng isang ina at ama."
Tumingin si Barry sa bintana. Patuloy pa din ang pagbuhod ng malakas na ulan.
Medyo malakas ang hangin. Naisip ni Barry na kuhanin ang jacket niya na nilagay niya sa bag at painumin na din ng gamot ang anak.
Aabutin ni Barry ang bag niya na nasa ibaba lang ng upuan nang magsigawan ang mga tao sa loob ng bus.
Nanlaki ang mata ni Barry matapos may makita siyang liwanag at pasalubong iyon sa bus na sinasakyan nila.
Agad na niyakap ni Barry ang anak matapos makitang babangga iyon sa bus na sinasakyan nila.
Nagdasal na kahit anak na lang niya ang makaligtas. Huwag ito masaktan. Walang ibang naisip si Barry kung hindi ang anak niya sa mga oras na iyon.
—
"Anong sinasabi niyo na hindi pa umuuwi si Barry?"
Salubong ang kilay ni Miriam matapos nga utusan niya ang isa sa mga katulong na pababain si Barry. Hinahanap kasi ni Miriam ang isa sa mga susi ng sasakyan niya.
Sinabi ng mga katulong na si Barry ang nagbabalik ng mga susi ng sasakyan na naiiwan madalas ni Miriam sa table.
"Madam, nasa hospital si sir Barry. Hindi ba nasabi sa inyo ni sir Barry na tinakbo niya sa hospital si young lady dahil kinumbulsyon si young lady kahapon," ani ng katulong. Napatigil si Miriam at napamura.
"Bakit tinakbo ng sira ulong iyon si Myles sa hospital kung pwede naman niya tumawag siya ng doctor para papuntahin dito!" sigaw ni Miriam. Napatalon ang mga katulong. Napahawak si Miriam sa ulo. Hindi niya talaga maintindihan madalas ang iniisip ng asawa niya na iyon.
"Ma—madam," ani ng katulong at natatakot na tinaas ang kamay. Noong tiningnan siya ni Miriam ay agad na nawalan ng kulay ang mukha ng katulong.
"Kasi madam— narinig ko noong nagpa-panic si sir Barry at tinawagan ang family doctor ng mga Fornasori nagalit iyong doctor. Umalis na lang si sir at binitbit nga niya si young lady," ani ng katulong. Napatigil si Miriam matapos marinig iyon.
"Nagalit? Anong sinasabi mo? Bakit magagalit ang doctor? Kulang ba ang sinusweldo ko sa kaniya para gawin niya ang responsibilidad niya bilang family doctor," malamig na sambit ni Miriam. Nakagat ng katulong ang gilid ng labi.
"Ang serbisyo niya lang daw ay para sa mga Fornasori— hindi daw isang Fornasori ang anak ni sir Barry," ani ng katulong. Napatigil si Miriam. Naiyukom ng babae ang kamao at binalaan ng katulong na walang magandang mangyayari kapag malaman niyang gawa-gawa lang ang kwento na iyon.
Yumuko ang katulong. Napahawak sa braso ang katulong.
"Madam, iyon ang totoo. Narinig ko din si Mr.Yosef na kausap ni sir Barry. Ayaw pumunta ng family doctor," sagot ng mayordoma. Mas lalong dumilim ang mukha ng babae.
Kinuha ni Miriam ang susi ng sasakyan niya sa bag niya at agad na naglakad palabas ng mansion. Sinabi ni Miriam na mag-usap usap sila mamaya pagdating.
"Akala ko ba nawala ni madam iyong susi ng sasakyan niya?" bulong ng isa sa mga katulong na nasa sala. Siniko siya ng kasamahan at sinabing manahimik.
"Hindi ba halatang palusot lang iyon ni madam para makita si sir?"
"Sana maayos lang si sir Barry at si young lady. Hindi siya tumatawag dito mula kaninang umaga."