"Wala na po ang mag asawa sa bansa. Nakaalis nat tiyak na nagtatago na ang mga iyon ngayon sa dami ng pinakakautangan nila dito," paliwanag sa kanya ng PI na inutusan niya para alamin kung nasaan ang mga magulang ni Brianna. Sinabi sa kanya ni Brianna na ibinenta ito ng sarili nitong mga magulang sa isang nangangalang Don Robert. Isang matandang mayaman. Hanggang doon palang ang nasabi sa kanya ni Brianna, dahil na rin sa sitwasyon nito ngayon. Marahil shock pa rin ito at hindi pa makapaniwala sa nangyari rito. Hindi pa nasabi sa kanya mi Brianna kung bakit ito nawalan ng malay at puno ito ng mga sugat. Hindi naman niya muna ito pinilit ang mahalaga ligtas na ito. Sinabi ng PI sa kanya na nalulong sa sugal ang ama ni Brianna at nagkautang-utang ito na malaki. Naisalang daw ng ama ni Bri