Makalipas ang dalawang araw na pananatili niya sa ospital sinabihan siya ni Joaquin na pwede ng lumabas at sa bahay na lang siya magpagaling. Medyo tuyo na rin kasi ang mga sugat niya at kaya na rin niyang makalakad ng maayos, kahit medyo masakit pa ang paa niya. Ang problema niya ngayon, kung saang bahay siya uuwi? "Ito ang nag-iisang bag na dala mo nang magtungo ka dito sa ospital at mawalan ka ng malay," sabi sa kanya ni Joaquin at iniabot sa kanya ang bag. Kinuha naman niya iyon. "Walang laman ang bag na iyan na pwedeng makatulong sa iyo para maka survive ng isang linggo. Tiyak na kalsada ka na pupulutin pag naubos iyang kakarampot mong pera!" Litanya nito sa kanya. Napapahiya na siya ng sobra kay Joaquin. Masyado na siyang kawawa sa paningin nito. Kung bakit naman kasi sa dinami-da