"Bakit ko naman gagawin iyon Sebastian? Bakit naman kita iiwasan?" Taas kilay niyang balik tanong kay Sebastian. Kumunot naman lalo ang noo nito habang titig na titig ito sa kanya. "Irish is not here. Wala siya rito para mam bully. Kaya hindi ako nag expect na darating ka," she said at pasimpleng binawi ang braso niyang hawak pa rin nito. Nagawa naman niyang mabawi iyon kaya umatras siya ng isang hakbang mula rito. "Hindi ba't ang sabi mo sa tuwing may panganib lang na hatid si Irish doon ka pwedeng sumipot for me," patuloy niya rito. "Scarlett," tawag nito sa kanya. "Isn't nag usap na tayo about that. Hindi ba't may kasunduan na tayo," Sebastian said. "Anong kasunduan? Ang pagpayag kong maging parausan mo ah Sebastian?" "Scarlett! Nasa publikong lugar ka. Maingat ka sa mga salitang