"Sinabi ko na sa Daddy mo na sa labas na tayo mag dinner, kaya ok lang kahit ma late ka ng uwi," sabi niya kay Scarlett nang makarating na sila sa penthouse niya. "Sinabi mo rin ba sa Daddy ko na sa dito mo ko dinala sa penthouse mo at tayong dalawa lang dito?" Panunuya ni Scarlett sa kanya. "Scarlett!" Saway niya sa dalaga. Napansin na niya ang ganitong ugali ni Scarlett noong araw na ihatid niya ito sa bahay matapos nitong mag overnight sa penthouse niya. Naging iba ang pakikitungo sa kanya ng dalaga. At napansin din niyang iniiwasan siya nito nang subukan niyang tawagan ito, pero hindi ito sumagot sa tawag niya. Nag decide pa nga siyang mag dinner sa bahay ng mga ito nang gabing iyon, pero hindi naman bumaba si Scarlett para sabayan sila sa dinner. Pag uwi niya matapos ang dinner sa