"Tita Sally nasaan po si Sebastian?" Tanong niya kay Sally. Kanina pa kasi niya hindi nakikita si Sebastian at malapit nang magsimula ang event. Naroon na nga halos ang mga bisita, pero hindi pa rin niya makita si Sebastian. "Tinatawagan ko nga hindi pa sumasagot," tugon sa kanya ni Sally. "Oh? Bakit po?" Tanong niya. Malinaw naman ang usapan nila ni Sebastian na ito na ang magiging escort niya. Hindi naman niya ito pinilit. Ito ang mismong nag presinta sa kanya. Ay syempre pumayag siya, dahil ito naman talaga ang gusto niyang maging escort sa pinakamahalagang araw niya. "But, don't worry, inutusan ko na si Mang Dante na puntahan si Sebastian sa hotel room niya," sabi nito sa kanya. "Sige po," malungkot niyang tugon. Naisip niyang baka naman hindi talaga darating si Sebastian at guma