"Scar, gabi na saan ka pa pupunta?" Tanong ng Daddy niya nang makababa siya ng hagdan at datnan ang ama sa may sala kasama ni Sally. "Ah.. Dad, magkikita po kami ni Brianna. May pupuntahan lang po," pagsisinungaling niya sa ama. "Hindi ba't magkasama na kayo kanina?" Tanong pa nito. "Opo Dad, kaya lang gabi po kasi iyung pupuntahan naming party ng pinsan ni Brianna, kaya po umuwi muna ako para magbihis na rin po," pagsisinungaling pa rin niya sa ama. "Magpahatid ka na kay Mang Dante," sabi pa ng Daddy niya. "Huwag na po Dad, may iba pa po kasi kaming kasama," tanggi niya sa ama. Hindi niya pwedeng isama si Mang Dante dahil sa Tragora Condominium siya pupunta. Pupuntahan niya si Sebastian para isoli ang damit niti at kunin na ang bra niya sa penthouse nito. "Ganoon ba. Huwag kayong ma