Isang araw na lang at debut na niya kaya naman busy na silang lahat, pati ang Daddy niya si Sally na umasikaso sa hotel kung saan gaganapin ang bonggang debut niya. Napili niyang gawin ang party niya sa VincElla Hotel ang pinaka sikat na hotel sa bayan ng San Miguel. Pinaubaya na rin niya kay Sally ang pagpili sa pagkain. Dahil hindi na niya maaasikaso iyon. Siya na kasi ang umayos sa gown and cake niya. Pati na sa mga invitations niya. Invited lahat ng classmate niya syempre at ilang mga kakilala sa San Miguel University. Hindi na niya sana inimbitahin si Rob at grupo nito, dahil na rin sa nangyari noong isang araw sa Pizza Parlor noong kasama niya si Sebastian. Pero dahil na rin ayaw niyang ma bully at pag initan ng grupo ni Rob eh inimvite na rin niya ang mga ito. "Sinong escort mo?" T