"Salamat sa t-shirt. Ibabalik ko na lang sa susunod,' sabi sa kanya ni Scarlett habang nakasakay sila sa elevator nito. Silang dalawa lang nito sa loob. "Don't bother. Kahit huwag mo nang ibalik,' malamig niyang tugon sa dalaga. Kasya at bumagay naman kay Scarlett ang itim niyang t-shirt. Maganda pa rin naman ito, kahit naman yata anong isuot nito ay maganda pa rin ito. Isama pang kahit galit, o takot ang mukha nito at naroon pa rin ang ganda nito. Bata pa kasi ito kaya siguro napaka natural ng ganda nito. Kung sa ganda ng mukha wala naman talaga siyang mapipintas kay Scarlett, sadyang sa ugali lang ang kapuna-puna rito. Naiinis siya ng sobra kay Scarlett, dahil napakakulit nito at ginagawa nito ano man ang maisip nito. Ayaw na ayaw pa naman siya sa mga babaing spoiled brat kung umasta.