"What the h*ll do you think you're doing, Scarlett?!" Mariing tanong sa kanya ni Sebastian nang makalabas na ng pintuan si Sally at maiwan na silang dalawa sa loob ng malaking penthouse nito. Napalunok pa siya at bahagyang napa atras. Nakaramdam kasi siya ng takot kay Sebastian, lalo na sa masamang tingin nito sa kanya. Napakagat labi pa siya ng pasadaan ng tingin ni Sebastian ang basang uniporme niya. Puti pa naman iyon at natitiyak niyang bakat na bakat na ang di dapat. Pero ok lang naman iyon, nakita na rin naman siya ni Sebastian in her swimsuit. So, wala na marahil problema pa. Isa pa hindi ba't nais niya itong akitin at all cost. "Hindi mo ba ko titigilan ah Scarlett?!" Marahas na tanong nito sa kanya sabay ang mabangis na pagsugod nito sa kanya, at sinaklit ang braso niya. Napatil