"Kumusta ka naman diyan? Kumusta ang honeymoon niyo ni Dr. Sebastian?" Tanong niya kay Scarlett nang tawagan siya ng kaibigan habang nasa campus pa siya at nagpapahinga. Uwian na nila pero wala naman ng magsusundo sa kanya. Umalis na kasi ang driver nila dahil wala ng maipansweldo ang Daddy niya. Nanganganib na ring mawala sa kanila ang sasakyan nila, dahil nga naitaya na ng Daddy niya iyon sa sugal. Kaya wala siyang choice kundi ang mag taxi. Iyon nga lang magkano lang naman ang pera niyang natitira, kailangan pa niyang tipirin iyon, dahil tulad kanina wala ng naibigay ang Mommy niya sa kanya ng allowance. Kung magtutuloy-tuloy ang ganitong kawalan nila ng pera, ay baka pati pag-aaral niya nangnganib. Ewan ba niya kung bakit biglang nagkaganito ang masagana at masaya nilang buhay noon.