Europe..... Mabilis ang mga pangyayari at nakaalis na nga sila ni Sebastian sa San Miguel. Tuluyan na niyang iniwan ang bayan ng San Miguel. Kung kailan siya muling makakabalik sa bayan na siyang kinamulatan niya ay hindi pa niya alam. Ang tauhan ni Sebastian ang umayos ng lahat ng kailangan niya sa paglipat niya ng eskwelaan. Dahil nga huminto na siya sa pag-aaral sa San Miguel University. Nakipagkita siya sa kaibigang si Brianna, para sabihin sa kaibigan ang mga plano niya. Nagulat pa nga si Brianna dahil buong akala daw ng kaibigan ay nag absent lang siya. Sa sobrang bilis kasi ng mga pangyayari, hindi na niya nagawang sabihin sa kaibigan ang tungkol sa kanila ni Sebastian. Ganoon pa man naipaliwanag naman niya ng maayos sa kaibigan ang lahat. Ayaw kasi niyang umalis ng San Miguel na