Bago sila nagtungo sa bahay ng Papa ni Sebastian dumaan pa sila sa bilihan ng mga alak. Mukhang mahilig din ang Papa ni Sebastian sa alak. Baka iyon ang namana ni Sebastian sa ama nito. Kung malaki at mala palasyo na ang bahay ng asawa niya sa Europe, doble naman ang laki ng bahay ng Papa ni Sebastian. May mataas na gate at guard pa sa labas. Kung sa bagay sa laki ba naman ng bahay, kailangan talaga ng guard na magbubukas ng gate. Napanganga pa siya sa lawak ng bakuran na puno ng mga nag gagandahan mga bulaklak. Kahit da dilim makikita pa rin ang ganda ng buong paligid dahil naiilawan naman iyon. Maraming bukas na ilaw sa labas. "Let's go," anyaya ng asawa sa kanya nang makababa na sila sa sasakyan. Tumango naman siya sa asawa. Kahit kaunting panahon lang nakapaghanda pa rin siya ng sa