"Sweetheart, what's wrong?" Tanong niya kay Scarlett matapos bumangon nito mula sa kama at binalot ang hubad na katawan nito. Katatapos lang nilang magpakaligaya ng asawa. Katatapos palang nilang sabay na marating ang langit nang bumangon ito at bumaba sa kamang kinahihigaan nila. Agad na rin silang umuwi ng asawa matapos ang dinner nila sa bahay ng kanyang Papa. Naging maayos naman ang lahat at mukhang wala namang hindi gusto ang ama kay Scarlett, kahit pa sabihin na anak ito ng bagong asawa ng Mama niya. Matagal na rin kasing hiwalay ang mga magulang niya nang magkakilala ang Mama niya at Daddy ni Scarlett. Medyo kabado nga siya lalo na't naunahan sila ni irish sa pagsasabi sa Papa niya tungkol sa kanila ni Scarlett. Akala nga niya magkakaproblema pa sila ng asawa at baka hindi tang