Kinabukasan pagmulat niya ng mga mata wala na si Sebastian sa tabi niya. Mag isa na lang siya sa higaan. Masakit pa nga ang buong katawan niya nang bumangon siya at naupo sa kama. Sumandal siya sa headboard ng kama sinuklay ang mga daliri sa buhok at napatulalang nakatingin sa puting pader. Gulung-gulo na kasi siy at hindi na malaman ang gagawin sa ganitong sitwasyon nilang mag asawa. Masaya naman siya, dahil kasama niya ang asawa. Pero hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng lungkot sa sitwasyon niya. Kahit ilang beses pa niyang sabihin sa sarili na kaya niyang sbayan ang gusto ng asawa. Habang malalim ang iniisip niya bumukas ang pintuan ng silid at sumilip si Sebastian. Agad naman siyang umayos ng upo nang makita ang asawa. "Good morning, sweetheart" nakangiting bati sa kanya ng a